Mga nilalaman ng konsultasyon

Sistemang-pagsasamang-panunumpa sa Prepektura ng Shiga (simula Setyembre 2)

Sagot

Bagama't hindi legal na kinikilala ang kasal ng magkaparehong kasarian, ang sistemang ito ay nagbibigay ng pahintulot sa 2 tao na ipahayag ang kanilang hangarin na magsama na may magkaayong kooperasyon at pagpatuloy sa sinumpaang pangako kung saan ang isa o ang magka-partner ay nasa hanay ng seksuwal na minorya. Kikilalanin ng prepektura ang kanilang pagpapahayag at maglalabas ng sertipiko. Kailangan ng paunang reserbasyon para sa pagpapahayag.
Sanggunian
Sangay ng Pagtataguyod sa Kalayaang-sibil sa Prepektura ng Shiga (Shiga-ken Jinken Shisaku Suishin-ka
[Wikang Hapon] Tel 077-528-3533
[Wikang Banyaga] Sentro ng Impormasyon para sa mga Dayuhang Residente sa Prepektura ng Shiga (Shiga Gaikokujin Soudan Center) Tel 077-523-5646

Mga nilalaman ng konsultasyon

Alam mo ba ang mga tuntunin ng bisiklita at motorsiklo?

Sagot

Patungkol sa pagsuot ng helmet ng bisikleta

Bilang pagpapatupad ng batas sa bahagyang pag amyenda ng Batas Pang-Trapiko. Ang pagsuot ng helmet ay isang pagsisikap na tungkulin para sa mga nagbibisikleta simula Abril 1, 2023.
【Mga tuntunin na dapat sundin ng mga nagbibisiklita】
  1. Kinakailangan magsuot ng helmet ang mga nagbibisiklita.
  2. Kung ang nagbibisiklita ay mag aangkas ng bata sa bisiklita o ipapahiram ang bisiklita sa iba, kinakailangan niyang papagsuotin ng helmet ang mga ito.
  3. Kinakailangan papagsuotin ng helmet ang mga bata kung sila ay nakaangkas sa bisiklita ng kanilang mga magulang o tagapag-alaga.
  4. ※ Sa Prepektura ng Shiga, ang pagpisan sa seguro ng bisiklita ay sapilitang-utos simula Pebrero 1, 2016

Paraan sa pagbili ng motorsiklo

Kung kayo ay bibili ng motorsiklo sa mga nagtitinda ng motorsiklo, sila na ang bahala sa pagproseso ng lahat para sayo, subalit kung kayo ay nakatanggap ng gamit ng motorsiklo mula sa iyong kaibigan, o bumili nito sa mga ibinibenta sa online, kinakailangan mong palitan ang pangalan ng may ari nito at sariling gagawin mo ang iba pang mga nararapat na proseso.
Paraan sa Pagparehistro sa Pagpalit ng Pangalan (Meigi Henkou)
Kung paano magparehistro sa pagpapalit ng pangalan ng motorsiklo ay may pagkakaiba-iba depende sa klase ng motorsiklo.
☆Para sa mga motorsiklo na may(50cc~125cc)
Gagawin ito sa munusipyo kung saan ang bagong may ari ay nakarehistrong residente rito
☆Para sa magagaan na motorsiklo, katamtamang-laki at malalaking motorsiklo (sobra sa 126cc)
Gagawin ang proseso sa Road Transport Branch Office (Unyushikyoku) (Landtransport office (Rikuunkyoku) na siyang may hurisdikisiyon sa address ng bagog may ari.
Shiga Road Transport Branch Office (Shiga Unyukyoku) 2298-5 Konohama-cho, Moriyama-shi
   Registration and Inspection Procedure Guide Tel: 050-5540-2064
 Ang karaniwang tuntunin sa pribadong pagbebenta ay ang bibili nito ang siyang gagawa ng proseso sa pagpapalit ng pangalan, ngunit kung bibilhin ito sa iyong kaibigan, maari mong gawin ang proseso sa Land Transport Bureau o kaya sa munusipyo na kasama siya.
Pagpisan sa Seguro para sa Sapilitang-pananagutan ng Sasakyan (Compulsory Automobile Liability Insurance) (Jibaiseki Hoken)
May dalawang klase ng seguro ang motorsiklo, seguro para sa sapilitang-pananagutan ng sasakyan (Jibaiseki Hoken) at “Boluntaryong pagpisan sa Seguro”(Nin-i-Hoken).,
Kung bibili kayo ng motorsiklo, kinakailangan ninyong pumisan sa seguro para sa sapilitang-pananagutan ng sasakyan (Compulsory Automobile Liability Insurance). Mandato ang pagpisan para sa liability insurance at sinasakup nito ang buong pinsala, at mayron ding mga parusa para doon sa mga hindi naka-segurong mga drayber.
Bilang karagdagan, kahit na hindi ito mandato. Magandang paghahanda din kung mayron kayong boluntaryong seguro, na mababayaran pareho ang biktima at ang nakapinsala.

Mga nilalaman ng konsultasyon

Mag iingat sa Gulong- Pinansiyal!!

Sagot

Gulong dulot ng Elektronikong-Salapi (E-money)

Ang bilang ng mga nabibiktima ng mga umaabuso sa elektronikong-salapi, gayundin sa pamamaraan sa pagbayad ng cash para sa mga gawaing ilegal tulad ng pandadaya sa paniningil para sa paggamit sa mga may bayad na sayt sa internet ay lalong tumataas at mabilis ang paglaganap.
※ Sa elektronikong-salapi tulad ng mga prepaid-card, ang halaga ng E-money ay madaling maililipat sa pamamagitan ng pagbigay ng numero at ng iba pang mga impormasyon ng kard nang hindi na kailangan pang iabot ang kard sa kabilang partido.
ISKAM/ PANGGAGANTSO!
「Bumili ng E-money sa convenience store at sabihin mo sa akin ang numero ng iyong kard ay isang」
「Ang bayad sa paggamit ay hindi pa nabayaran.Kung hindi ito mabayaran ngayong araw ay sisimulan na ang legal na proseso ay isang」
※ Ang pagsasabing “Legal na proseso” ay ginagamit upang lalo pang pukawin ang pagkabalisa ng biktima
!Huwag sagutin o kontakin ang anumang mga bayarin na hindi mo alam
!Ang mga Negosyo, Kagawaran ng Hustisya, Korte, atbp. ay Kailan man hindi hihiling sa inyo na bumili ng E-money kard sa convenience stores sa ilalim ng pangalan ng “Bayarin para sa mga hindi pa nababayarang mga bayarin.”

Money Laundering /Paglilinis ng Pera (Upang maikubli at hindi matukoy ang taong nagmamay-ari ng pera na may kaugnayan sa krimen) ay Ilegal!

ISKAM/ PANGGAGANTSO!
「Gusto kong ilipat mo ang perang ito mula sa inyong account, Bibigyan kita ng 10,000 yen ay isang」
!Ilegal ang pagbigay ng inyong account sa ibang tao.
!Kung hindi ninyo matukoy kung ang provider ay ilegal o hindi, mangyaring huwag gamitin ang provider, kahit anong provider na hindi nakalista sa rehistradong nagbibigay serbisyo sa paglipat ng pundo sa website ng ahensiya ng Serbisyong Pananalapi ay Ilegal Mangyaring itsek dito → https://www.fsa.go.jp/menkyo/menkyoj/shikin_idou.pdf
Upang maiwasan mabiktima dulot ng email at SMS (Short message service), mas makabubuting gumawa ng maagang paghahandang pamamaraan sa pagtanggi upang hindi makatanggap nito.

! Kung sa tingin ninyo kahina-hinala, kaagad ipagbigay-alam sa pamilya, mga kaibigan, o kaya sa pulisiya #9110 (Linya ng kaagarang konsultasyon sa Pulis)!

  • Serbisyong Telepono Para sa mga Kunsumidor 188 (Hapon)
  • Serbisyong Telepono Para sa mga Turistang Kunsumidor 03-5449-0906
  • (Inglis, Intsik, Koreano, Thai, Vietnamese, French, Hapon)
  • Tanggapan ng Konsultasyon para sa mga gumagamit ng Serbisyong-Pananalapi 0570-016811 (Mula sa IP phone 03-5251-6811)
  • Pangkalahatang serbisyo sa Inglis/English E-mail: equestion@fsa.go.jp/li>

Mga nilalaman ng konsultasyon

~ Magbisiklita sa paligid ng Lawa Biwa/Biwako ~  Biwaichi sa Taglagas

Sagot

Narinig mo na ba ang tungkol sa Biwaichi?
sang paglilibot sakay ng bisiklita sa paligid ng Lawa ng Biwa/Biwako. Ang pagbibisikleta sa paligid ng Lawa ng Biwa habang pinahahalagahan ang mayamang kalikasan at kultura ng lugar ay perpektong pagkakaton upang tamasahin ang pinakahihintay na panahon ng taglagas!
Ang isang paglibot sa paligid ng Lawa Biwa ay may humigit-kumulang 200 kilometro ang haba, at mayroong dalawang itinalagang kurso.
“Mabagal na kurso”
Para sa mga baguhan at nasa kalagitnaang lebel na mga siklista, tulad ng isang pamilya. Maaari kang magbisiklita sa magkasamang daanan ng mga tao at para sa mga siklista upang masiyahan sa nakakarelaks na tamang tulin ng bisiklita.
“Mataas na lebel na kurso”
Para sa mga nasa mataas na lebel na mga siklista, karaniwang Pagbibisiklita sa mga pangunahing kalsada.
Para sa mga detalye para sa inirerekomendang mga kurso at para sa suportang impormasyon. Mangyaring bisitahin ang Homepage ng “Wa no Kuni Biwako”
https://www.biwako1.jp/  

Istasyon para sa pag-ikot daungan ng Otsu “Cycle Station”

Nitong Abril, binuksan ang Biwaichi Cycle Center sa may daungan ng Otsu. Dito nagpaparenta, inaayos at nagkukumpuni ng mga bisiklita, nagbebenta at nagpaparenta din ng mga helmet at gloves at iba pang mga bagay na kinakailangan para sa pagbibisiklita. Nagbibigay din sila ng mga impormasyong inirerekomenda para sa mga rota sa pagbisiklita at mga impormasyong partikular lang sa mga pamamasyal gamit ang bisiklita.
Daungan ng Otsu Terminal para sa mga pasahero: 5 chome 1-7 Hamaotsu Otsu
https://oportable.jp

Lugar na maaring pagkunan ng tubig sa Nagisa Park

Sa mga lugar ng Uchide no Mori, Otsu Lakeside Nagisa Park/ baybayin ng lawa sa may Otsu sa Nagisa park ay ang mga lugar kung saan maari ninyong lamnang-muli ng malamig na tubig ang inyong walang laman na sisidlan ng tubig.
Nakakatulong din ito upang mabawasan ang mga tira-tirang PET bottle. Mangyaring dumaan habang nagpapahinga sa inyong paglilibot sa Biwaichi.
Uchidehama Otsu
https://www.city.otsu.lg.jp/soshiki/080/2808/g/44087.html

Tren para sa mga paglilibot sa Riles ng Omi

Sa riles ng Omi ay mayroong tren para sa paglilibot na pumapayag magpasakay na kasamang lulan ninyo ang inyong bisiklita.
Maaring isakay ng derikta sa loob ng tren ang inyong besiklita ng libre (pamasahe lamang ang babayaran).
Hindi nag aalok sa ilang lugar ng ganitong serbisyo, mangyaring itsek ang websayt para sa mga detalye.
https://www.ohmitetudo.co.jp/railway/fan/cycle/

Sundin natin ang mga tuntunin at asal at tamasain ang saya ng paglilibot♪

  • Sa Prepektura ng Shiga, ang mga gumagamit ng bisiklita ay kinakailangang pumisan sa seguro ng bisklita.
  • Ang daanan ng mga nagbibisiklita ay sa kaliwang bahagi ng daan.
  • Ang kulay asul na linya sa daanan ay ang mga sementong marka para sa daanan ng Biwaichi.

Mga nilalaman ng konsultasyon

Ang legal na edad ng karampatang gulang ay ibinaba sa 18 taong gulang

Sagot

Batay sa “Ang hakbang sa bahagyang pag-amyenda sa kodigo sibil”, ang legal na edad ng karampatang gulang ay ibababa mula sa kasalukuyang edad na 20 taong gulang patungong 18 taong gulang sa Abril 1, 2022.

Sa mahigit 18 taong gulang,mababa sa 20 taong gulang(Ipinanganak sa pagitan ng Abril 2, 2002 ∼ Abril 1, 2004)

 → Hustong edad sa Abril 1, 2022

Sa ipinanganak ng o pagkatapos ng Abril 2, 2004

 → Hustong edad sa 18 na kaarawan

Mangyaring pakitandaan na ang “Pagrebisa ng batas ng Kodigo Sibil” ay bahagyang mababago ang katuringan ng nasa hustong gulang. Menor de edad, pagbabago ng batas para sa edad para sa ibat ibang aplikasyon tulad ng estado ng paninirahan at pagkuha ng hapon na nasyonalidad.

Ano ang mga mababago kung bababa ang ang edad ng karampatang gulang?

  • Ang limitasyon sa edad kung babaguhin ang estado ng paninirahan para sa mga “Long-term resident” kung menor de edad.mga sariling anak (biholohikal na anak) ay para doon sa mga mababa at hindi kasama ang 18 taong gulang
  • Ang edad na kinakailangan para sa naturalisasyon na mula sa 20 taong gulang ay magiging mula18 taong gulang.
  • Ang edad ng batang maaring kilalanin ng kanyang amang hapon upang magkaroon ng nasyonalidad ay para doon sa mga menor de edad at hindi kasama ang 18 taong gulang.
  • Para sa mga may dobleng nasyonalidad, ang edad kung saan dapat piliin ang nasyonalidad ay magbabago mula sa bago maging 20 taong gulang (o sa edad na 22) hanggang bago maging 18 taong gulang (o sa edad na 20).
  • Ang kontrata para sa mga smartphones at mga pabahay para magsarili, credit card o kaya mga pautang tulad ng pautang sa pagbili ng sasakyan ay maaring magawa mula 18 taong gulang kahit na walang pahintulot ang mga magulang (maaring hindi maaprubahan ang inuutang kung ito ay sumobra doon sa kapasidad ng muling bayarin).
  • Ang edad ng mga kababaihan na maari nang mag asawa ay itataas mula lagpas 16 taon gulang tungo sa lagpas 18 taon gulang. Ang mga babaeng lagpas 16 taon gulang sa Abril 1, 2022 ay maari pa rin makapag asawa mababa sa 18 taon gulang
Ang edad na maaring uminom ng alak, manigarilyo at ang regulasyon na edad para sa pinangangasiwaan ng-pamahalaan na mga labanang- isports (Karera ng kabayo, karera ng sasakyan,karera ng biseklita,karera ng bangka) ay mananatiling nasa 20 taon gulang kahit na nagbago ang edad ng karampatang gulang.
Ang obligayon na pumasok sa pambanasang pensyon ay nasa 20 tao gulang.

Sa ilalim ng kodigo sibil,ang mga kontratang isinagawa ng mga menor de edad ng walang anumang pahintulot mula sa mga magulang ay walang bisa subalit ang rebisyon(pagbabago) ng edad para sa hustong gulang ay magbibigay permiso doon sa mga lagpas 18 taon gulang na gumawa ng ibat ibang kontrata kasama ng mga responasbilidad sa mga isinagawang kontrata. Hindi madaling isagawa ang kontrata at ang mga nilalaman nito ay kinakailangan ng masusing pagsisiyasat bago isagawa ang kontrata.Mahalaga din na humingi muna ng payo bago magsagawa ng kontrata.

Tanggapan ng Konsultasyon na may kaugnayan sa kunsumidor/mamimili

- Consumer hotline 「188」(Wikang hapon lamang)
- Houterasu (serbisyo sa ibat ibang wika) 0570-078377【Karaniwang araw】9 ng umaga~ 5 ng hapon

Mga nilalaman ng konsultasyon

Maglibot sa mga kastilyo sa Shiga!

Sagot

Humigit-kumulang 1300 mga kastilyo ang itinayo sa gitna a sat modernong edad (1184-1867) sa Prepektura ng Shiga. "Ang mga mananakop sa Omi (Shiga) ay mananakop sa mundo" ay isang tanyag na kasabihan habang ang mga kumander ng militar ay nakipaglaban para kontrolin ang rehiyon sa panahon ng digmaang sibil. Bakit hindi bisitahin ang mga kastilyo ng Shiga at ang mga nasirang mga kastilyo dito?
Mga kilalang kastilyo, Kastilyo ng Hikone, Kastilyo ng Azuchi at Kastilyo ng Hachiman
【Nirerekomendang kurso sa paglakbay sa Kastilyo at mga nasirang kastilyo sa Shiga 】
((Sirang kastilyo Hachiman・Hachiman-bori Kanal → Sirang kastilyo Azuchi → Nobunaga-no-yakata → Arkeolohiko museyo kastilyo Azuchi → Kastilyo Hikone → Sirang Kastilyo Sawayama → Makasaysayan Museyo Kastilyo Nagahama→ Sirang Kastilyo Odani

Mga nilalaman ng konsultasyon

Libutin natin sa pamamagitan ng bisiklita upang matuklasan ang mga atraksiyon sa Shiga!

Sagot

Ang Shiga ay isang rehiyon na sagana sa kasaysayan at kalikasan. Mayroong kalahating araw at buong araw na mga kurso sa pagbibisikleta sa mga lugar na maaring malibot na hindi mo karaniwang napupuntahan. Bakit hindi subukang tumuklas ng mga bago sa pamamagitan ng paglibot gamit ang bisiklita sa Shiga?
May mga nakahandang mga paupahang bisiklita sa buong prepektura kung sakaling wala kang sariling bisiklita at may mga tindahan din na nag aalok ng palibreng renta.

Mga nilalaman ng konsultasyon

Palamutihan natin ng makulay ang hapag -kainan mula sa mga gulay sa ating hardin !

Sagot

Pag Golden Week umiinit ang temperatura ng panahon, parang gusto nating makapag-unat-unat ng katawan. Ganun din ang mga pananim at halamang gulay na nagsisipag-usbungan habang naarawan. Ang mga hardin sa tahanan ay nakakapagbigay sa atin ng pagkakataong maalagaan natin ang ating mga sariling pananim at nakapagbibigay din ng saya kung tayo mismo ang aani ng mga preskong gulay at ihahanda natin ito sa ating hapag kainan. Bakit hindi mo subukang magtanim ng pang- tagsibol na mga gulay sa inyong hardin, beranda, o sakahan na inuupahan?
Ang paupahan ng sakahan ay pinamamahalaan at pinapatakbo ng mga ibat ibang organisasyon. Mga maaring magamit na mga pasilidad at mga serbisyo katulad ng paradahan, pag arkila ng mga kagamitan at mga banyo ay depende sa uri ng ani at samahan. Mangyaring makipag ugnayan sa kawani ng agrikultura sa inyong munusipyo o sa JA para sa inyong mga katanungan.

Mga nilalaman ng konsultasyon

Halina at gamitin natin ang silid-aklatan para makatuklas ng mga bagong kaalaman!

Sagot

Nagtatag ang Prepektura ng Shiga ng mahigit 51 na kabubuang mga silid-aklatan sa 19 na mga bayan at mga lungsod nito. Kung residente ka ng lugar o nagtratrabaho dito maari kang magpagawa ng libreng kard upang magamit mo bilang pahintulot sa paggamit ng pasilidad at paghiram ng mga aklat dito, kung may hinahanap kang aklat ngunit wala ito sa silid-akalatan sa inyong lugar maari kang magpahayag ng kahilingan doon sa mga kalapit bayan, lungsod na mga silid-akalatan maging man sa Pangprepekturang Silid-aklatan ng Shiga. kung may gusto kayong aklat sumagguni lamang po kayo sa taong namamahala (Librarian) sa silid-aklatan sa inyong lugar!
Mayroon ding mga aklat at magasin sa ibat ibang wika!

Pang-prepekturang Silid-aklatan ng Shiga

〒520-2122 Otsu-shi Seta Minami Oogaya-cho 1740-1
TEL:(077) 548-9691
Paano Pumunta:Sumakay ng bus sa estasyon ng JR Seta papuntang Shiga idai eksaktong 10 minuto na biyahe bumaba sa harapan ng Bunka Zone Mae na estsyon 5 minutos lakad
Oras ng Tanggapan
〇 Miy~Biy 10am ~ 6pm
〇 Sab・Lin・Mga bakasyon na mga araw/Walang pasok na mga araw  10am ~ 5pm
Saradong Araw
〇 Lun・Mar(Bukas sa pista opisyal na mga araw, sarado tuwing Miyerkules
〇 Bukas sa mga araw ng (Sabado at Linggo) Pagkatapos ng pista opisyal na araw.
〇 Umpisa ng taon at pagtatapos ng taon/at mga natatanging panahon na isinaayos

◇Magpagawa ng Tiket pang-hiram

Upang makahiram ng mga aklat, kailangan mo ng tiket sa paghiram. Upang magawaan ng tiket pumunta sa ikalawang palapag (2F) sa silid sanggunian para sa mga materyales (Sankou-shiryou-shitsu), punan ang porma (form) para sa pagparehistro at dalhin ito sa counter, kasamang dalhin ang isa sa mga nabanggit na mga sumusunod (Lisensiya sa pagmamaneho/unten menkyoshou. Insurance Card/hoken-shou, Student ID/gakusei-shou at iba pa upang makumpirma ang inyong address.

◇Manghiram tayo ng libro!

Bawat isa ay maaring makahiram ng hanggang 10 na libro at iba pang mga materyales sa loob ng 3 linggo. Sa unang palapag sa may silid-pambata ay matatagpuan ang mga librong pambata at mga aklat-larawang pambata sa wikang banyaga. Sa pangalawang palapag naman ay matatagpuan ang silid-pangkalahatang sanggunian dito ay nakahilira ang mahigit na 150,000 na mga libro mula sa mga pang- praktikal na libro hanggang sa pang-dalubhasang mga libro na maaring magamit, mayroon ding mga materyales at mga libro para sa pag aaral ng wika.
Bilang karagdagan, sa silid- pangkalahatang sanggunian naman ay mayroong mahigit na 8,000 klaseng mga librong-banyaga sa iba't ibang mga wika. Kung nais manghiram ng libro sumadya lamang sa kawnter sa ibabang palapag.

◇Kapag ibabalik ang libro

Maaring ibalik ang hiniram na libro sa mga oras na bukas ang silid-aklatan, sa mga kawnter ng silid-sanggunian pang-kagamitan. Silid pambata, kung sakaling sarado ang silid-aklatan pakilagay ito sa may kahon na nakalagay (Post box) sa kaliwang bahagi ng pintuan, maari din ninyo itong ibalik sa Panglungsod, Pangbayan na silid-aklatan.
*Subalit sa mga silid-aklatan sa Lungsod ng Otsu, Lungsod ng Kusatsu ay hindi puwedeng magbalik ng libro.

◇May nakahanda ding ibat ibang serbisyo!

Gamit ang website maari ninyong mahanap, mapareserba ang mga librong nais ninyog mabasa, kahit na wala pa sa lugar ang gusto ninyong libro maari ninyo itong ipakisuyo. Sa mga taong may kapansanan naman at walang kakayahang bumisita sa silid-aklatan maari kayong makahiram ng mga libro sa pamamagitan ng paggamit sa pagpapadala nito sa Koreo. Maari din kayong sumangguni sa mga staff ng silid-aklatan kung mayroon kayong nais itanong, nais malaman tungkol sa pamumuhay. Ang mga libro sa silid-akltan pang-prepektura, panglungsod at pambayan ay maaring mahiram at tuloy ~ tuloy itong gamitin para sa inyong pag aaral at libangan!

Mga nilalaman ng konsultasyon

Ang Ikolohiyang Pamumuhay sa Lalawigan ng Shiga

Sagot

Masasabing masuwerte ang pamumuhay ng mga mamayan ng Shiga dahil sa biyayang dulot ng kalikasan, kagaya ng biyayang dulot ng Lawa Biwako (Pinakamalaking lawa ng Japan) na napapaligiran ng mga bundok. Ang Industriyalisasyon at kung papaano tayo namumuhay ay may malaking epekto sa kalikasan. Pag isipan natin mabuti kung ano ang mga magagawa natin upang mapangalagaan natin ang kapaligiran at mapanatiling buhay ang kalikasan!

Mga hakbang na kaya natin gawin「Ang 3R」

1. Reduce (Bawasan) Pagbawas ng basura.

Upang makabawas sa pagkonsumo ng plastik na supot magdala ng muling magagamit (Reusabale) na supot kung mamalengki at upang makabawas sa basura ng kusina bumili lamang ng sapat na kailangan. Simula Hulyo taong 2020 hindi na magiging libre ang mga ibinibigay na plastik na supot sa mga tindahan.

2.Reuse (Gamitin muli) Muling paggamit.

Samantalahin mamili sa mga tindahan na may puwedeng magamit muling mga paninda kagaya sa mga tiangge (flea markets) o sa mga ipinamigay na bagay na di na kailangan ngunit puwede pang magamit muli.

3.Recycle (Iricycle muli) Gamitin ang mga mapagkukunan .

Pag uri-uriin ang mga bagay na hindi na kailangan na posible pang mairicycle. Ang mga nakolektang mga kagamitan ay iriricycle para gawing mga panangkap. Gamitin ang mga tindahang komokolekta sa pag uuri-uri ng mga kahon. Uri-uriin at paghiwa-hiwalayin mabuti ang basura sa bahay bago ito dalhin sa itinakdang lugar sa pagkolekta ng basura.
〇Para sa Paghihiwalay ng mga basura
Magtanong sa tanggapan ng lokal na munusipyo o sa mga kapit bahay para sa maayos na pamamahala ng inyong basura. Pakakatandaan na kung papaano paghihiwa-hiwalayin ang basura at kung papaano/kailan ito kokolektahin ay depende sa lugar kung saan ka nakatira.

Ang kasayasayan ng Ikolohiyang (Ecolife) pamumuhay sa Shiga

  • ★ Sa lugar ng Harie (bayan ng Takashima) ang Ikolohiyang pamamaraan sa patubig ay matagal na panahon ng isinasagawa na tinatawag na「Kabata」(tingnan ang larawan sa may kanan). Ang tubig galing sa bukal mula sa bundok ay dadalhin sa mga kabahayan upang maging inuming tubig at tubig pang-kusina. Puwede din itong ipunin sa “Tsuboike” (Saro na ipunan ng tubig) sa kusina upang magamit para sa pagluluto, paglaba at paghugas ng mga gulay upang mapanatiling malamig, mapreserba at mababad. Ang nagamit na tubig ay dadaloy sa may palaisdaan na kung saan naghihintay ang mga alagang isdang karpa ng kanilang pagkaing mga tira-tirang gulay at mga butil ng bigas at sasarain nito ang tubig at aagos ito sa may lagusan ng tubig sa labas ng bahay.
  • ★ Noong taong 1977 mayroong kaganapang nangyari na kung saan nagkaroon ng pagtaas ng pulang - tubig ang lawa ng biwako (red tide) na dulot ng pospeyt na nakahalong sangkap sa sintetikong sabon panglinis. Upang mapangalagaan ang lawa ng biwako ipinatigil ang paggamit ng naturang sintetikong sabon na nagdulot ng pinsala dito. Taong 1980 inilunsad ang kilusan at bilang paggunita rito, itinakda ang ika-1 ng Hunyo bilang pagtanda sa “Araw ng Lawa ng Biwako” kung saan ang mga tao sa shiga ay nagkakaisa at ibinubuhos ang kanilang buong araw sa araw na ito upang linisin ang palibot ng lawa ng biwako at ang mga ilog. Halina at sumali tayo sa kilusan na ito!

Mga nilalaman ng konsultasyon

Tungkol sa pagbukas ng “savings account”para sa mga dayuhan at kung paano magpadala gamit ito.

Sagot

  • Ang mga residenteng dayuhan na may panandaliang pananatili lamang ,tulad ng turista ay hindi maaaring magbukas ng isang bank account sa Japan.
  • Upang makapagbukas ng bank account (makapag iimpok sa banko) kakailanganin mong maghanda ng isang patunay ng pagkakakilanlan (ID) tulad ng Residence Card (RC) o ang “My Number Card, kasalukuyang address ng tirahan , at Selyo (Hanko o Stamp).
  • Kapag magpapadala ng pera sa sariling bansa, maaari mong gamitin ang serbisyo ng paglilipat ng pera sa mga bangko at sa mga kumpanya ng paglilipat ng pera.
  • *Huwag gumamit ng serbisyong pagpapadala na hindi nakarehistro dahil ito ay labag sa batas.
    * Kapag magpapadala ng pera sa ibang bansa, kailangan mong dalhin (ipakita) ang iyong “My Number Card” .
  • Kung nabago ang iyong address, petsa ng araw ng pagtatapos ng inyong visa( expiration date), katayuan ng pagbabago ng visa, pagreretiro o pag-alis, o kung nawala mo ang iyong passbook o cash card, kakailanganin mong dumaan sa pagproseso nito sa isang institusyong pampinansyal.
  • Kung babalik na sa sariling bansa at hind na gagamitin ang iyong savings account, mangyari po lamang ipakansela ito.

Mga nilalaman ng konsultasyon

Alam nyo ba kung anong mga aktibidad ang mayroon sa mga community centers? ~Sumubok ng mga bagong bagay!~

Sagot

Ang community at civic center ay mga pasilidad na maaaring magamit ng mga mamamayan para sa mga pampublikong aktibidad na tulad ng pag-aaral at pagtitipon ng sari-saring grupo. Mayroon ding klase sa personal computer, kalusugan, yoga, kaligrapiya, ikebana, pag-aaral ng Ingles, at maaari rin itong gamitin bilang isang lugar kung saan maaaring manatili ang mga bata, para sa mga aktibidad ng mga samahan ng mga mamamayan at para sa mga kursong magagamit sa panghabangbuhay. Madali ang pagsali, hindi kailangang magbayad ng mahal, at makakakilala pa kayo ng mga bagong kaibigan. Magtanong ukol sa mga uri ng aktibidad sa mga munisipyo at community center! Para sa mahilig sa sports, may mga klase at aktibidad ng grupo na tulad ng gymnastics, judo, badminton, table tennis, volleyball, swimming, atbp. na ginaganap sa mga gym ng munisipyo at prepektura. Magtanong sa mga munisipyo at iba pang pampublikong pasilidad para sa mga detale.

Mga nilalaman ng konsultasyon

Bago mag-alaga ng hayop (pet)

Sagot

Maaaring bumili ng mga hayop na puwedeng alagaan sa mga pet shop, subalit maaari ring kumupkop ng mga ito kung magpaparehistro sa mga animal protection center na nangangalaga sa mga aso at pusa na walang nagmamay-ari. (Mayroong mga hayop na hindi pinahihintulutan ng batas na gawing alaga). Dapat na pag-usapan ang ukol sa posibleng allergy ng miyembro ng pamilya, at ang pang-habambuhay na pananagutan sa pag-aalaga ng hayop. Ang mga naninirahan sa apartment o paupahang-bahay ay dapat na siguruhin ang mga kondisyon ng kanilang pangungupahan. Ang mga alagang hayop ay maaaring magkasakit at tumanda, at sabay nito ay ang paglaki ng gastusin sa pagpapagamot sa kanila, kaya’t isaalang-alang rin ang papasaning gastos bago magdesisyon. Mayroong mga kumpanya ng pribadong seguro, subalit walang sistema ng pampublikong seguro para sa mga hayop.
Shiga Animal Care Center
℡ 0748-75-1911 136-98 Iwane, Konan City
http://www.sapca.jp/
Otsu City Hall Health Department Health Center Animal Care Center
℡ 077-574-4601 1-chome 24-2 Oginosato, Otsu City
http://www.city.otsu.lg.jp/soshiki/021/1442/

Mga nilalaman ng konsultasyon

Mga patakaran sa pag-aalaga ng hayop (aso)

Sagot

Pabakunahan ang alagang hayop laban sa rabis sa isang beterinaryo (ito ay isang obligasyon), kumuha ng “katunayan ng pagpapabakuna” at ito ay ipasa sa munisipyo. (Ang pagbibigay ng pinaghalong bakuna, paglalagay ng microchip, pagkapon at pagpigil sa panganganak, paghadlang sa sakit na filariasis o heartworm disease, at pagbibigay ng gamot para sa pag-iwas sa pulgas/garapata ay boluntaryo). I-rehistro ang inyong aso sa munisipyo at kumuha ng tag at registration card (mula 91 araw hanggang 120 araw pagkasilang o sa loob ng 30 araw mula sa araw ng pagiging may-ari nito). Ang mga aso na mahigit na sa 91 araw pagkatapos na ipanganak ay babakunahan laban sa rabis nang minsan sa isang taon.
★Maging responsable sa iyong alagang hayop: isama ito sa paglalakad, ito ay pakainin at pabakunahan. Disiplinahin upang hindi makaabala sa iba. Linisin at iuwi sa sariling bahay ang kanilang dumi. Pinagbabawal na bayaang makakawala ang aso habang ito ay inilalakad ninyo sa labas.

Mga nilalaman ng konsultasyon

Nawala ang aking alagang hayop! Kinukupkop ko ang isang hayop…

Sagot

Makipag-ugnayan sa animal protection center o sa pinakamalapit na istasyon ng pulis.

Mga nilalaman ng konsultasyon

Kung mamatay ang aking alagang hayop?

Sagot

  1. Makipag-alam sa munisipyo.
    *Maaaring iba ang patakaran depende sa lungsod, subalit ang ilan dito ay mayroong lugar para sa pagsunog sa labi ng alagang hayop (cremation).
    Para sa mga aso, sundin ang paraan ng pagkansela ng rehistro sa munisipyo (sa loob ng 30 araw).
  2. Mayroong mga pribadong kumpanya para sa paglilibing ng mga alagang hayop.
  3. Maaaring ilibing ang namatay na hayop sa sariling lupa, subalit ito ay ipinagbabawal sa mga ilog, parke, atbp.

Mga nilalaman ng konsultasyon

Kung lalabas o papasok ng bansa na kasama ang alagang hayop?

Sagot

Upang maisama sa ibang bansa o iuwi ang alagang hayop, kinakailangang sundin ang mga tuntunin upang makapasok ng Japan at ng bansang pupuntahan. Dahilan sa ang pagsunod sa proseso ay mangangailangan ng oras, hangga’t maaari ay makipag-ugnayan sa Animal Quarantine Service nang maaga.

Mga nilalaman ng konsultasyon

Mga pasilidad sa Shiga na kung saan maaaring masiyahan sa kalikasan

Sagot

Mga nilalaman ng konsultasyon

Pagsisimula sa Agrikultura

Sagot

Para sa mga nagnanais na malibang sa agrikultura

Umupa ng isang paupahang lupang taniman. Ang isang paupahang taniman ay isang lupang may maliit na sukat na maaarkila sa murang halaga lamang na kung saan maaaring makapagtanim ng anumang nais na gulay o bulaklak. Ito ay inyong sariling maliit na bukirin.
May mga paupahang taniman tulad ng binahaging mga lupa ng munisipyo, JA (Japan Agricultural Cooperative), NPO, bukid ng pribadong mga magsasaka, atbp. Makipag-alam sa bawat isa para sa pagkakaiba ng mga kondisyon sa pag-upa.

Mga nilalaman ng konsultasyon

Kapag nagka-problema sa pang-araw-araw na pamumuhay

Sagot

Sumangguni sa welfare office ng city hall o sa social welfare council.
Social Inclusion Support Center “Yorisoi Hotline”
Tel: 0120-279-338

Mga nilalaman ng konsultasyon

Ukol sa post office

Sagot

Ang sumusunod na kaugnay na mga pahina ay may patnubay sa bawat wika.

Mga nilalaman ng konsultasyon

Lisensya sa Pagmamaneho

Sagot

Shiga Pref. Driver’s License Center
2294 Konohama-cho, Moriyama City Tel. 077-585-1255

Mga nilalaman ng konsultasyon

Pagkuha ng Lisensya sa Pagmamaneho

Sagot

Upang makakuha ng bagong lisensya sa pagmamaneho sa Japan ang mga walang hawak na dayuhang lisensya, mangyaring kumuha ng pagsusulit sa pamamaraang katulad sa mga Hapon. Sa ganitong kaso, maaaring mamili at kumuha ng pagsusulit sa isa sa mga sumusunod na wika: Hapon, Ingles, Portuges o Intsik.
Ukol sa mga patakaran sa trapiko sa Japan, ang JAF ay naglabas ng librong “Rules of the Road” sa mga wikang Ingles, Intsik, Kastila at Portuges.