Mga nilalaman ng konsultasyon

Mayroon ka bang alinman sa mga alalahanin na ito?

Sagot

Pagkatapos makapagtapos ng junyor hayskul magkakaroon kayo ng mas maraming pagkakataon na makapamili para sa inyong sarili, tulad ng kung mag aaral o magtratrabaho o gumawa pa ng mga iba’t ibang nais gawin. Magkakaroon ka ng pakikisalamuha sa lipunan sa labas ng inyong tahanan at paaralan, lalawak din ang iyong pakikitunguhan/relasyon. Habang lumalaki ang tsansa ng pagiging malaya nadagdagan din ang mga pananagutan sa sarili. Upang matulungan kang protektahan ang iyong sarili, narito ang ilang lugar na maari kang kumonsulta kapag nagkakaproblema ka.

☆Maari bang makapagtrabaho (Part-time Job) ang isang Senyur Hayskul?

Para doon sa mga naging 15 taon gulang na lampas na ang kaarawan noong Marso 31 ay maaring nang makapagtrabaho kung sila ay pinapahintulutan magtrabaho ng part-time sa ilalim ng panunutunan ng paaralan kung saan sila pumapasok, Gayunpaman dahil sa sila ay nasa mababa pa sa 18 taon gulang at limitado lamang ang kaalaman pagdating sa panlipunang karanasan samakatuwid sila ay protektado sa mga sumusunod na batas.
  • Kapag nag-aaplay ng trabaho, kakailanganin mong magpakita ng liham ng pahintulot mula sa magulang o tagapag-alaga, isang sertipiko ng katibayan ng edad at pagiging karapat-dapat para sa paninirahan/residence card.
  • ※ Kung ikaw ay may katayuan ng “Dependent Visa” o “Student Visa”, maaari kang magtrabaho nang hanggang 28 oras bawat linggo kung mag aaplay ka ng “Permiso na makilahok sa aktibidad maliban sa pinahihintulutan sa ilalim ng katayuan ng Paninirahan” sa Kawanihan ng Imigrasyon. Pakitandaan na kung nagtatrabaho ka ng higit sa 28 oras bawat linggo, maaaring hindi ma-renew ang iyong visa (status of residence).
  • Kasama sa katangian ng trabaho ang mga paghihigpit o pagbabawal sa mapanganib o nakakapinsalang trabaho.
  • Patungkol naman sa mga oras ng pagtatrabaho, may mga paghihigpit sa panggabing trabaho (late-night work), overtime at holiday work, at pabago-bago ang oras ng trabaho ay ipinagbabawal din bilang pangkalahatang tuntunin.
※ May ilang mapagsamatalang kumpanya sa mga manggagawa na napipilitang magtrabaho (Black Baito) sa ilalim ng hindi patas na mga kontrata sa paggawa, hindi nababayarang sahod, panliligalig sa kapangyarihan, sekswal na panliligalig, at iba pang mapang-abusong kondisyon. Samakatuwid, pakitiyakin mabuti ang anumang pipirmahang kontrata pagtrabaho at kumpirmahin ang nilalaman nito bago ito lagdaan.
※Ang mga mapanlinlang na trabaho Yami Baito 、kung saan ang mga manggagawa ay tumatanggap ng kabayaran para sa mga gawaing kriminal, ay kumakalat sa pamamagitan ng mga serbisyo sa social networking at iba pang paraan. Huwag kailanman mag-aplay para sa isang trabaho nang basta-basta dahil nag-aalok ito ng“mataas na kita”! Ito ay isang paraan ng mga kriminal na mapigilan na mahuli ang mga sindikato ng krimen pagpigil sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon tulad ng pagkakakilanlan at impormasyon ng pamilya at mga miyembro ng pamilya. Samakatuwid, mag-ingat na huwag ibigay ang iyong personal na impormasyon o pribadong impormasyon nang walang nararapat na pangangalaga at atensyon.

Mga isyung nauugnay sa trabaho gaya ng pang -aapi, seksuwal na panliligalig, pagtanggal sa trabaho, atbp.

  • Shiga Labor Bureau, Employment Environment and Equal Opportunity Office  (Shiga Roudokyoku Koyoukankyo Kintoushitsu) Tel 077-523-1190
  • Hotline ng Konsultasyon sa Kondisyon sa Paggawa (Roudo Jouken Soudan Hotline) (Multilinguwal na Konsultasyon)
  • https://www.check-roudou.mhlw.go.jp/soudan/foreigner.html
  • Tungkol sa illegal na trabaho (part-time jobs) Departamento ng Pulisya, Sentro ng Pangkalahatan Tagapayo #9110

Mga nilalaman ng konsultasyon

☆ Alam mo ba kung ano ang “dating DV/Karahasan sa karelasyon”?

Sagot

Ang karahasang nangyayari sa pagitan ng magkasintahan ay tinatawag na “dating DV”. Ang karahasan ay maaaring pisikal, mental, sekswal, o pinansiyal. Kasama rin sa karahasan ang pag-uugaling pakikitungo sayo na ginagawa kang katatawanan, hindi papansinin at ang pagiging sunud-sunuran sa mga nais gawin ng karelasyon mo. Kahit na malapit ka sa isang tao, pag ingatan ang iyong sariling damdamin at ang sa ibang tao.

Konsultasyon patungkol sa problema sa karelasyon

  • Date DV 110 https://ddv110.org/
  • Maaring komunsulta sa telepono o kaya sa chat.
    Lun~Sab 7:00pm~9:00pm (Sarado sa bago magbagong taon at sa bagong taon)
    Tel 050-3204-0404
  • SOS para sa mga buntis sa prepektura ng Shiga (Shiga-ken kosodate Shienka/Suporta para sa pangangalaga sa mga bata sa Prepektura ng Shiga)
  • Konsultasyon tungkol sa di inaasahang pagbubuntis
    Lun・Miy・Biy 6:00pm~8:00pm  Lin 2:00pm~4:00pm Tel 090-8810-2499

Mga nilalaman ng konsultasyon

Pagbabago ng Batas Trapiko hingil sa Bisikleta

Sagot

Mula Nobyembre 1, 2024, ang pagsakay sa bisikleta habang gumagamit ng cellular phone o pagmamaneho habang nasa ilalim ng impluwensya ng alkohol ay sasailalim sa mga parusa. Ang bagong batas ay naglalayon sa mga drayber na dapat maging matino sa pagmamaneho.
Pagmamaneho habang gumagamit ng cellular phone
Mga lumalabag: parusang pagkakulong nang hindi hihigit sa 6 na buwan o multang hindi hihigit sa 100,000 yen
Pagmamaneho sa ilalim ng impluwensya ng alak
Mga lumalabag: Parusang pagkakulong nang hindi hihigit sa 3 taon o multang hindi hihigit sa 500,000 yen

Mga nilalaman ng konsultasyon

Mag iingat sa Gulong- Pinansiyal!!

Sagot

Gulong dulot ng Elektronikong-Salapi (E-money)

Ang bilang ng mga nabibiktima ng mga umaabuso sa elektronikong-salapi, gayundin sa pamamaraan sa pagbayad ng cash para sa mga gawaing ilegal tulad ng pandadaya sa paniningil para sa paggamit sa mga sayt sa internet na ay lalong tumataas at mabilis ang paglaganap.
※ Sa elektronikong-salapi tulad ng mga prepaid-card, ang halaga ng E-money ay madaling maililipat sa pamamagitan ng pagbigay ng numero at ng iba pang mga impormasyon ng kard nang hindi na kailangan pang iabot ang kard sa kabilang Partido.
 ISKAM/ PANGGAGANTSO!
「Bumili ng E-money sa convenience store at sabihin mo sa akin ang numero ng iyong kard ay isang 」
「Ang bayad sa paggamit ay hindi pa nabayaran. Kung hindi ito mabayaran ngayong araw ay sisimulan na ang legal na proseso ay isang」
※Ang pagsasabing “Legal na proseso” ay ginagamit upang lalo pang pukawin ang pagkabalisa ng biktima!
!Huwag sagutin o kontakin ang anumang mga bayarin na hindi mo alam
!Ang mga Negosyo, Kagawaran ng Hustisya, Korte, atbp. ay Kailan man hindi hihiling sa inyo na bumili ng E-money kard sa convenience stores sa ilalim ng pangalan ng “Bayarin para sa mga hindi pa nababayarang mga bayarin.”

Money Laundering /Paglilinis ng Pera (Upang maikubli at hindi matukoy ang taong nagmamay-ari ng pera na may kaugnayan sa krimen) ay Ilegal!

ISKAM/ PANGGAGANTSO!
「Gusto kong ilipat mo ang perang ito mula sa inyong account, Bibigyan kita ng 10,000 yen ay isang」
!Ilegal ang pagbigay ng inyong account sa ibang tao.
!Kung hindi ninyo matukoy kung ang provider ay ilegal o hindi, mangyaring huwag gamitin ang provider, kahit anong provider na hindi nakalista sa rehistradong nagbibigay serbisyo sa paglipat ng pundo sa website ng ahensiya ng Serbisyong Pananalapi ay Ilegal Mangyaring itsek dito → https://www.fsa.go.jp/menkyo/menkyoj/shikin_idou.pdf 。
Upang maiwasan mabiktima dulot ng email at SMS (Short message service), mas makabubuting gumawa ng maagang paghahandang pamamaraan sa pagtanggi upang hindi makatanggap nito.

! Kung sa tingin ninyo kahina-hinala, kaagad ipagbigay-alam sa pamilya, mga kaibigan, o kaya sa pulisiya #9110 (Linya ng kaagarang konsultasyon sa Pulis)!

  • Serbisyong Telepono Para sa mga Kunsumidor 188 (Hapon)
  • Serbisyong Telepono Para sa mga Turistang Kunsumidor 03-5449-0906
  • (Inglis, Intsik, Koreano, Thai, Vietnamese, French, Hapon)
  • Tanggapan ng Konsultasyon para sa mga gumagamit ng Serbisyong-Pananalapi 0570-016811 (Mula sa IP phone 03-5251-6811)
  • Pangkalahatang serbisyo sa Inglis/English  email: equestion@fsa.go.jp

Mga nilalaman ng konsultasyon

Kapag nasangkot sa krimen o aksidente sa trapiko (Mga Insidente / Aksidente)

Sagot

Police Box (“Koban”)
Sa Japan, mayroong itinalagang maliliit na himpilan o police box sa bawat bahagi ng distrito ng bayan na may mga pulis na nakapuwesto upang magsagawa ng pagpapatrulya, maiwasan ang mga krimen, tumanggap ng pag-uulat sa mga nawawalang tao o ari-arian, at magbigay ng direksyon ng mga lugar. Kung may problema, huwag mag-atubiling pumunta sa isang police box para humingi ng tulong.
Pagnanakaw o Assault (pisikal na pagsalakay o pag-atake)
Kung nanakawan habang wala sa loob ng bahay o naging biktima ng karahasan, ito ay ireport agad sa pinakamalapit na police box o istasyon ng pulis. Tumawag sa 110 kung kailangan ang madaliang tulong. Kapag ninakaw ang inyong libreta ng bangko o credit card, ipagbigay-alam agad ito sa bangko at sa kumpanya ng credit card at hilingin ang pagsuspinde sa paglalabas ng pera buhat dito.
Aksidente sa Trapiko
Kapag nasangkot sa isang aksidente sa trapiko, ipagbigay-alam agad ito sa pulis kahit na ito man ay hindi malubha. Tumawag ng ambulansya kung may taong nasaktan.

Mga nilalaman ng konsultasyon

Kapag nagkasunog

Sagot

Kung may sunog, agad na makipag-ugnayan sa himpilan ng bumbero o fire station (numero 119). Sikaping gawin ang mga pangunahing paraan ng pagpatay sa sunog tulad ng paggamit ng timba ng tubig o ng pamatay-sunog (fire extinguisher) habang sumisigaw ng paghingi ng tulong sa mga kalapit-bahay: “Sunog!” (“Kaji da!”)

Mga nilalaman ng konsultasyon

ga Kasong Emerhensya

Sagot

Tumawag sa numerong 119 para sa ambulansya (“Kyukyusha onegaishimasu”) at ibigay ang sumusunod na mga impormasyon nang mahinahon at malinaw.
  • Ang kinakailangang serbisyong pang-emerhensya (Tandaan na ang 119 ay gamit para sa emerhensyang medikal at sa sunog. Gawing malinaw ang pagpapahayag na ang kailangan mo ay emerhensyang serbisyong medikal.)
  • Ang iyong kinaroroonan
  • Uri ng emerhensya; sakit o pinsala
  • Bilang, kasarian at edad ng pasyente (matanda, bata o sanggol)
  • Gaano kalubha ang pinsala o sakit

Mga nilalaman ng konsultasyon

Mga Pagsangguni ukol sa Batas

Sagot

Japan Legal Support Center (Houterasu)
℡ 0570-078374(JPN)
℡ 0570-078377(Multilingual Information Service- English, Chinese, Korean, Spanish, Portuguese, Vietnamese, Tagalog)
℡ 03-5366-6008(Multilingual Information Service)
Houterasu Shiga
Otsushochunisseibiru 5F 1-2-22 Hamaotsu, Otsu
℡ 050-3383-5454
Shiga Bar Association
1-3-3 Umebayashi, Otsu

Mga nilalaman ng konsultasyon

Patungkol sa Paglabag sa karapatang pantao

Sagot

Hotline Diyal para sa Karapatang pantao ng mga Dayuhan
Tel 0570-090911
Sinusuportahang Wika:Inglis,Intsek,Hangul,Filipino,Portuges、Biyetnamita
(English, Chinese, Korean, Filipino, Portuguese, Vietnamese)

Mga nilalaman ng konsultasyon

Pang-emerhensyang pagtawag sa telepono (Insidente・Aksidente)

Sagot

110 (numero para sa emerhensyang pangyayari)
Kung gagamit ng telepono upang mag-ulat sa pulis, maaaring makipag-ugnayan sa loob ng 24 oras sa pamamagitan nang pag-dial sa numerong 110 nang walang area code. Kung gagamit ng pampublikong telepono, pindutin muna ang kulay pulang emergency button bago i-dial ang 110. (Ito ay libre na tulad ng para sa 119). Kung mayroong taong nasaktan, magpapadala rin sila ng ambulansya. Kung tatawag sa telepono, sabihin ang mga sumusunod ayon sa pagkakasunud sunod:
  1. Ito ba ay isang aksidente o isang krimen
  2. Saan ito naganap (o ang address)
  3. Ang iyong pangalan
119 (numero para sa emerhensya sa sunog)
Ang himpilan ng bumbero ay tumatanggap rin ng mga ulat sa loob ng 24 na oras. Ang himpilan ng bumbero ay mayroong trak para sa sunog at ambulansya. Kung tatawag sa telepono, sabihin ang mga sumusunod ayon sa pagkakasunud-sunod:
  1. Kung ito ba ay isang sunog o emerhensya
  2. Kung saan ang lugar (sabihin kung may maaaring gawing palatandaan)
  3. Ang iyong pangalan at numero ng telepono

Mga nilalaman ng konsultasyon

Kapag nakagawa ng isang krimen

Sagot

Karapatan ng isang pinaghihinalaan (suspect)
Sinisiguro ang pagbibigay sa isang suspect ng 3 karapatan:
  1. Karapatang malaman ang katotohanan
  2. Karapatang manahimik
  3. Karapatang humiling ng isang abogado
Duty Attorney System (sistema ng pagtatalaga ng isang abogadong tagapayo)
Mayroong isang sistema na tinatawag na “Duty Attorney System” na kung saan ang suspect na inaresto ng pulis at ikinulong ay maagap na padadalhan ng isang abogado ng samahan ng mga abogado ayon sa kahilingan niya ay ng kanyang pamilya. Mangyaring ipahayag nang malinaw kung nais na hilingin ang paggamit ng sistemang ito.
Shiga Bar Association Duty lawyer exclusive line TEL 077-522-2013
民事法律扶助制度Legal Aid System (Sistema ng pagbibigay-tulong sa mga problemang may kinalaman sa batas)
Ang Legal Aid Association ng Samahan ng mga Abogado ay mayroong isang sistemang tinatawag na “Legal Aid System民事法律扶助制度” para sa mga taong may problemang pinansyal, kaya’t sumangguni sa abogadong itinakda sa inyo (duty attorney) ukol rito.
HOUTERASU [Multilingual Dial] TEL 0570-078-377
HOUTERASU [Multilingual Web]
Abogadong itinakda ng korte (Court-appointed lawyer)
Pagkatapos na maidemanda, ang nasasakdal ay maaaring humiling ng isang tagapagtanggol na abogado para sa kanyang paglilitis. Kung hindi niya kaya ang magbayad para rito, maaaring magtakda ang korte ng isang abogado para sa kanya kung ito ay kanyang hihilingin.